Connect with us

Aklan News

BINATA, HULI SA BUY BUST OPERATION

Published

on

Huli dahil sa pagbibenta umano ng shabu ang isang binata alas 7:45 nitong gabi sa Roxas Avenue Extension, Andagao, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Justin Torrefiel Valdez, 22-anyos ng Sitio Hagakhak, Baybay, Makato.

Sa isinagawang buy bust operation, nabatid na nagbenta umano ang suspek ng 2 sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P2,000.00 na buy bust money.

Ayon kay PDEU Aklan Chief PLt. Col. Frensy Andrade, nasa 2 buwan umano nilang sinubaybayan ang suspek, kung saan marijuana umano sana dapat ang kanilang transaksyon sa kanya, subalit naubos na ito kung kaya’t nagkasundo sila na shabu nalang ang bibilhin ng kanilang asset.

Kinalaunan, isinailalim sa body search ang suspek, subali’t wala naring narekober na droga mula sa kanya. Mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon.

Kasunod nito, kaagad na inaresto ang suspek at nakatakdang isailalim sa drug test habang inihahanda ang karampatang kaso na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *