Connect with us

Aklan News

BILANG NG MGA TURISTANG DUMADAYO SA BORACAY, TUMAAS

Published

on

By

Photo Courtesy: Jack Jarilla

Patuloy pa rin sa pagtaas ang bilang ng mga turistang dumadayo sa isla ng Boracay sa kabila ng nakaambang pandemya.

Sa pinakahuling datos ng Malay Tourism Office, nasa kabuuang 12,877 na ang mga bumisitsa sa isla sa loob lang ng 17 araw mula Oktubre 1-17, 2021.

Mas mataas ito ng kalahati kung ihahambing sa bilang ng tourist arrivals sa buong buwan ng Setyembre na mayroon lamang 6,702.

Samantala, patuloy na nagunguna ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming numero ng pagbisita na mayroong 9625.

Sumunod dito ang Aklanons na may 861, 836 sa CALABARZON, 713 sa Central Luzon, 322 sa Western Visayas at iba pa.

Magugunitang binuksan muli ang isala ng Boracay para sa mga turista matapos na isailalim ang probinsya ng Aklan sa general community quarantine o GCQ noong nakaraang Setyembre 8.

Para makapasok sa isla, kailangan pa rin ng mga turista na magpakita ng negatibong RT-PCR test result.

Advertisement