Connect with us

Aklan News

BIDA LAW, MATATAPOS BAGO ANG MAY 2021

Published

on

Kumpyansa si Cong. Eric Yap, Co-Author ng BIDA Bill at Vice-Chair ng Committee on Gov’t Enterprises and Privatizations, na matatapos at tuluyan ng maging batas ang Boracay Island Development Authority bago matapos ang termino ng Boracay Inter Agency Task Force sa Mayo 2021.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay Cong. Yap, pinahayag nito na nakapagsagawa na sila ng committee hearing at binubuo na ang technical working group na siyang bubusisi sa mga sinumiteng position papers ng mga concerned agencies amd organizations.


Ayon kay Yap, ang technical working group na din ang makikipag-usap o makikipag-coordinate sa mga stakeholders sa Boracay at Local Gobernment Units sa mga gagawin pang consultation o public hearing.

Pagkatapos umano nito ay bubuuin na ng TWG ang report at pagbobotohan sa komite bago iakyat sa plenaryo para sa 2nd at 3rd readings.

Bago matapos itong taon ay maipapasa na diumano nila sa Kamara ang final version nito.

Samantala, nakausap na rin diumano nila si Senador Bong Go na sya namang magiging sponsor ng Senate bill.

Program/Beat: Anchorman of Todo Latigo program, 5am to 7:30am, Mon to Sat. Years/background in Media works: 22 years member of the Aklan Media.Why chose this profession: It's a calling. It's my passion.Principle in life: Your success is directly proportional to the number of lives you have touched for the better.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *