Connect with us

Aklan News

BIATF ANG ADMINISTRATOR NG BORACAY HANGGANG JUNE 2022

Published

on

By

Photo| Unsplash

Mananatili ang Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) bilang tagapangasiwa ng Boracay Island hanggang Hunyo 2022 upang matapos ang buong rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Ayon kay BIATF manager Natividad Bernardino sa panayam ng Radyo Todo, naapektuhan ng pandemya ang kanilang mga proyekto kaya naextend pa ang kanilang termino.

“Yung pandemic kasi naapektuhan ang mga proyekto sa Boracay kaya na extend,” lahad nito.

Nagkaroon rin daw ng panahon na hindi aktibo ang BIATF noong mapaso ang kanilang termino noong Mayo.

Ngayon lang raw kasing Setyembre 14 naglabas ng Executive Order (EO) 147 si Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayong pahabain ang termino ng task force hanggang sa katapusan ng Hunyo 2022.

“Ang extension ng Task Force was only signed this September 14.

“Nag-expire yung term noong May, so during that time BIATF was not really active but now that the BIATF is here, lahat ng policies should be sanctioned by the BIATF,” saad ni Bernardino.

Kaya ngayon, prayoridad nila na tapusin ang 100% rehabilitasyon sa isla bago pa muling matapos ang termino ng task force.

Isa sa mga tinututukan nila ngayon bukod sa mga proyekto ng DPWH at TIEZA ang pagpapanumbalik ng turismo sa Boracay na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Ayon kay Bernardino, nasa 77% na ngayon ng mga tourism frontliners ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Sa kasalukuyang tala ng Malay Tourism Office, nakalista na ang isla ng 5,407 na tourist arrivals simula Setyembre 8-26.