Connect with us

Aklan News

BFP AKLAN, NAGPADALA NG 5 FIREFIGHTERS SA MGA LUGAR NA NAAPEKTUHAN NG BAGYONG ODETTE

Published

on

Image: Reynald Bandiola

Limang personnel mula sa Kalibo Fire Station ang lilipad ngayong araw para maging parte ng augmentation team na tutulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Ayon kay SFO1 Paulo Vicente M Neptuno, lima silang BFP personnel mula sa Kalibo na ipapadala sa Bohol, Negros Oriental at Siargao ngayong araw.


Todo Media Magazine

Makakasama niya sina SINSP Arden G. Bedoña – Municipal Fire Marshal, FO2 Raynelle R Villorente, FO2 Baldomero I Imperial III at FO1 Jun Rey I Tordecillas.

Kaya humihingi ng dasal si SFO1 Neptuno para sa kaligtasan niya at ng mga ipapadala sa ilang lugar sa bansa na lubos na naapektuhan ng bagyong Odette.