Connect with us

Aklan News

BAYAN NG MALAY, NAKAPAGTALA NG 20 NEW CASES NG COVID-19

Published

on

Mahigit 100 na ang active cases ng CoViD-19 sa bayan ng Malay matapos madagdagan ng 20 na bagong kaso.

Base ito ipinalabas na report ng Malaya Inter-Agency Task Force Against CoViD-19 as of June 14, 2021.

Nagmula ang mga bagong kaso sa mga baranggay ng Caticlan – 9, Cogon – 4, Balabag – 2, Motag – 2, at tig isa naman sa Manocmanoc, Cubay Sur at Sambiray.

Umakyat naman sa 380 ang total recoveries dahil sa 9 na gumaling sa naturang sakit.

Sa kasalukuyan, may 490 total confirmed cases na ang Malay, 106 dito ang active cases, 380 recoveries at 4 ang namatay.