Connect with us

Aklan News

BAYAN NG KALIBO, NAKIISA SA PAGGUNITA NG IKA 122 TAON NG ARAW NG KALAYAAN

Published

on

Photo| Malbert Dalida/Radyo Todo

Nakiisa ang bayan ng Kalibo sa pagdiriwang ng ika 122 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan o Independence Day.

Isang thanksgiving mass ang ginanap kaninang alas 6:00 ng umaga sa Kalibo Cathedral na sinundan ng Flag Raising at Independence Day program sa Kalibo Pastrana Park.


Sinimulan naman ang maikling palatuntunan sa pamamagitan ng Ceremonial March of the Philippine Flag, at sinundan ng Pambansang Awit ng Pilipinas, at pag-alay ng bulaklak sa mga monumento ng mga bayani.

Samantala, sa kanyang maikling mensahe, ipinaalala naman ni Kalibo Mayor Emerson S. Lachica ang kahalagahan ng mga kalayaan ng ating bansa na nakamit sa pamamagitan ng pakikipaglaban noon ng ating mga bayani.

Kaugnay naman nito, hinimok ni Lachica ang mga Kalibonhon na huwag maging kampante at gawin ang parte ng bawat isa para labanan ang Covid 19 pandemic.

Kasama naman ng mga taga LGU Kalibo sa selebrasyon ang Kalibo PNP, Bureau of Fire Kalibo, at ilang taga Philipine Army.

Ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan tuwing ika 12 ng Hunyo ng kada taon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *