Connect with us

Aklan News

“BASI MAGNUBYAHANAY LANG TO” – IBAJAY PNP, HINDI PA MASABING ABDUCTION ANG INSIDENTE SA IBAJAY

Published

on

By

Wala pang natatanggap na report ang Ibajay PNP na mayroong missing person sa lalawigan ng Aklan at karatig probinsiya kaugnay sa usap-usapang alledged kidnapping or abduction sa Brgy. Regador, Ibajay.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Police Corporal Daniel Morris Gallano, imbestigador ng Ibajay Municipal Police Station: “Indi man to namon masiling nga alledge abduction kay as of this time, wala pa man kami may na receive na may nadula nga person, wala man na flash alarm na may na-missing sa province of Aklan or kalapit na province”.

Posible aniyang magkasintahan lamang iyon na nagkataong nag-aaway nang mapadaan sa lugar.

Sa ngayon ay kinakalap pa ng Ibajay PNP ang mga CCTV footages na maaaring makapagbigay-linaw sa insidente at pagkakilanlan ng naturang babae.