Connect with us

Aklan News

BANGKAY NG MANGINGISDA, NAKITANG PALUTANG-LUTANG SA BURUANGA

Published

on

By

Photo Courtesy: Maritime Pulis Aklan Marpsta

Nakitang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Bel-is, Buruanga ang bangkay ng isang mangingisda na ilang araw nang nawawala matapos magpalaot upang mangisda.

Ayon sa mga otoridad, natagpuan nila ang bangkay ni Jose Oczon Flores, 57 anyos, residente ng Brgy. Balusbos Malay sa katubigan na may 4 nautical miles ang layo mula sa dalampasigan nitong Lunes, Abril 25 ng gabi.

Napag-alaman na gabi ng Abril 18 pa nang umalis ang biktima para magpalaot pero hindi na ito nakabalik.

Nasa decomposition stage na ang bangkay nang matagpuan ng retrieval team.

Pinaniniwalaang nahulog ito sa bangka habang nangingisda.