Connect with us

Aklan News

BANGKAY NG BINATANG NALUNOD SA AKLAN RIVER NATAGPUAN SA TINIGAO

Published

on

Matapos ang tatlong araw na paghahanap, natapuan na ngayong Miyerkoles ang katawan ng 16-anyos na binatang nalunod sa Aklan River.

Natagpuan ng mga bata sa tabing-ilog na sakop ng Purok 5, Brgy. Tinigao, Kalibo ang bangkay ni Whyzly Francisco.

Matatandaan na Lunes, noong tumawid ng ilog ang biktima kasama ang kanyang pinsan na si Zues Andew Lepardo, 15-anyos.

Mapalad na nakatawid si Zues pero inanod naman ng malakas na agos ng tubig ang biktima.

Sinubukan pa niyang sagipin ang kanyang pinsan at naabot naman iya ito at naisabit sa may tabi ng ilog pero bumigay ang kinakapitan nila at muling tinangay ng baha.

Sinubukan pa niya itong habulin muli pero dahil sa pagod at malakas na agos ng tubig, bigo siyang maabot ang biktima.

Kaagad na narescue si Zeus habang umabot pa ng tatlong araw ang paghahanap sa kanyang pinsan.