Connect with us

Aklan News

Banggaan ng traysikel at van, isa sugatan

Published

on

TANGALAN–Isa ang sugatan sa banggaan ng traysikel at van alas 2:40 kaninang hapon sa Baybay, Tangalan.

Nakilala ang biktimang si Janrey Toriaga, 42 anyos ng nasabing lugar, at ang drayber ng nakabanggaan nitong van na si Cal Robias, 52 anyos ng Dumatad, Tangalan.


Base sa imbestigasyon ng Tangalan PNP, galing umano sa Poblacion, Tangalan si Toriaga, subalit alanganin umano itong lumiko papasok sa crossing, rason na nabangga ito ng kasalubong na van.

Resulta, nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na kaagad namang dinala sa ospital ng mga rumespondeng MDRRMO.

Samantala, sinasabing alas 4:00 kaninang hapon nang ipag-utos umano ni Toriaga sa kanyang pamilya na palayain sa kustodiya ng Tangalan PNP si Robias, dahil magkakilala naman pala ang mga ito at sila nalang umano ang bahalang mag-areglo sa nasabing aksidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *