Connect with us

Aklan News

BAKLA NA NANGHIPO, TINAGA-PATAY ; SUSPEK, INAMIN ANG KRIMEN

Published

on

Photo| Makikita sa larawan ang suspek na si Raymund Salvador

Patay ang isang bading matapos maghipo ng isang construction worker sa barangay Gibon, Nabas, Aklan noong nakaraang araw ng Sabado, Setyembre 25.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo sa suspek na si Raymund Salvador, 32, tubong Kudyong, Libertad, Antique at kasalukuyang naninirahan Barangay Gibon, napikon umano siya sa biktimang si Ronnie Tamboong, 48 taong gulang, tubong Mansalay Orriental Mindoro at kasalukuyang naninirahan rin sa nasabing lugar.

Kwento ng suspek na lasing umano siya ngunit hindi niya ginusto ang nangyari na tagain-patay ang biktimang si Tambong.

Ayon sa kaniya na habang nag-iinuman sila ay kinukuha naman itong pagkakataon ng biktima upang siya ay pagsamantalahan.

Hinawakan umano ng biktima ang maselang parte ng kanyang katawan.

Ilang beses niya umano itong pinigilan at sinabihan na tigilan na ang ginagawa ngunit hindi it nakinig sa kanya.

Dahil dito ay napuno na umano siya at nakulitan kay Tambong dahilan na kinuha niya ang itak na kanyang nakita at tatlong beses na tinaga ang biktima kung saan dahilan na agad itong binawian ng buhay.

Advertisement

Si Salvador ay boluntaryong sumuko sa Nabas PNP kung saan siya sa ngayon naka-kostudiya para sa kaukulang disposisyon.