Connect with us

Aklan News

BAHAY, NINAKAWAN NG LAPTOP, SUSPEK ARESTADO

Published

on

Arestado ang isang lalaki matapos umanong manloob at magnakaw ng laptop sa isang bahay sa Estancia, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Antonio Rico, 21 anyos ng Tinigao, Kalibo, habang nakilala naman ang biktimang si

Melvin Arboleda, 32 anyos ng naunang nabanggit na lugar.

Base sa kanyang report sa Kalibo PNP, bandang alas 5:30, Huwebes ng hapon nang marinig umano ng kanyang asawa ang ingay sa kanilang kusina.

Kaagad umano niya itong tiningnan, at nakita ang 1 lalaking palayo na may dalang sako.

Doon na rin umano nila natuklasan na nawawala ang kanilang laptop na nagkakahalaga ng P68, 000.00.

Kaagad namang kumilos ang mga pulis at nagsagawa ng follow up operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa kanyang bahay at pagkakarecover ng ninakaw na laptop.

Nang makapanayam ng Radyo Todo, aminado naman ang suspek na ninakaw niya ang nasabing gamit para ibenta at ipambili ng pagkain at para may magastos sa nalalapit na pasko.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Kalibo PNP habang inihahanda ang kasong Robbery na isasampa laban sa kanya.

Samantala, lumalabas pa sa imbestigasyon na pinasok ng suspek ang bahay ng mag-asawa sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana doon malapit sa kusina.

Sinasabing naiwan pa ng suspek ang kanyang tsinelas sa kanyang pagtakas.