Connect with us

Aklan News

BAHAY NASUNOG, INA AT 3-GULANG NA PASLIT, NAKALIGTAS

Published

on

Kalibo – Napa ‘bakwet’ ng wala sa oras ang isang ginang at kanyang 3 taong gulang na anak matapos masunog ang kanilang bahay bandang alas 3:00 kaninang madaling araw sa Nalook, Kalibo.

Ayon sa BFP (Bureau of Fire Protection) Kalibo, nagising na lamang umano ang ginang na si Jonalyn Esolan na nasusunog na ang kanilang kusina.

Mabilis umanong lumaki ang apoy rason na kaagad itong nagpasaklolo at iniligtas ang anak at ilang gamit.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng BFP Kalibo sa insidente, habang mapalad namang walang napaulat na nasugatan o nadamay pang bahay sa nangyaring sunog.