Tinupok ng sunog ang bahay na may vulcanizing shop sa Poblacion, Malinao kagabi.
Kabilang sa mga naabo ang perang ilang taon nang iniipon ng may-ari na si Bernabe Gumban.
Kwento niya, nagsimula ang sunog ilang minuto matapos mag-spark ang poste nang bumalik ang kuryente mga pasado alas-11:00 kagabi.
Tulog siya at malaki na umano ang apoy nang magising siya.
Sinubukan pa niyang salbahin ang inipon niyang pera na nakatago sa lagayan ng kanyang mga damit pero nabigo siyang makuha ito.
Nagtamo rin ang biktima ng ilang paso sa katawan matapos na piliting salbahin ang kanyang bisikleta.
Nagdeklara ng fire-out ang mga bumbero alas 12:38 ng hatinggabi.
Ito na ang ikatlong sunog na naitala mula nang sumapit ang taong 2024.
Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…
NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…
BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…
Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…
NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…
AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…