Connect with us

Aklan News

Babaeng nag-apply ng online loan, na-scam ng mahigit P19,000

Published

on

By

Nabiktima ng online scam ang isang 25 anyos na babae matapos mag apply ng online loan kahapon.

Salaysay ng biktimang residente ng Brgy. Andagao, Kalibo, sinubukan niyang mag-apply ng loan sa pamamagitan ng Messenger app.

Nag-chat ang biktima sa account na nakapangalan kay Leslie Balloso at nagsend ng P4100 na assurance fee sa 09072959915 bilang requirement.

Inutusan din umano siyang i-screenshot ang kanyang Gcash balance bilang bahagi ng proseso sa pag-loan na kanya namang sinunod.

Ikinagukat na lang niya nang malaman na nai-transfer na sa nabanggit na account ang P15,118 na laman ng kanyang Gcash.

Dahil dito, minabuti ng biktima na i-report sa kapulisan ang nangyayari.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *