Connect with us

Aklan News

BABAENG MAY PROBLEMA UMANO SA PAG-IISIP, NATAGPUANG PATAY SA MAY ILOG

Published

on

Ibajay – Patay na nang matagpuan sa ilog ng San Jose, Ibajay kaninang umaga ang isang babaeng may problema umano sa pag-iisip.

Ayon sa Ibajay PNP, nakadapa sa tubig ang hindi na pinangalanang babae, walang pang-ibabang damit at ‘bloated’ na umano ang kanyang tiyan nang matagpuan.


Base pa sa inisyal na imbestigasyon ng Ibajay PNP, wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ang babae at narekober naman ang kanyang damit pang-ibaba pati na ang kanyang tsinelas.

Sinasabing bandang alas 4:00 kaninang madaling araw nang huling makita sa plaza ang babae lalo pa’t may lamay doon sa proper ng nasabing barangay.

Samantala, nakatakda namang isailalim sa autopsy examination ang bangkay ng babae, habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *