Categories: Aklan News

UPDATE | MISIS NA NATAGPUANG PATAY, POSIBLENG GINAHASA

Posibleng ginahasa ang isang misis na natagpuang patay sa Brgy. Cabayugan, Malinao, Martes ng umaga.

Base kasi sa imbestigasyon ng SOCO o Scene of the Crime Operatives, natagpuan na nakatihaya ang 55 anyos na si Lucila Cabautan na wala ng suot pang-ibaba may ilang metro lang ang layo nito sa asawang si Jornas Cabautan, 64 anyos na nakadapa sa sahig na may mga tama ng pananaksak at pagpalo sa pisngi.

Ayon pa sa SOCO narekober sa kusina ang short pants at panloob ng babaeng biktima at dalawang pares ng tsinelas, subalit walang narekober na patalim o pamalong ginamit ng suspek o mga suspek sa pananaksak sa mga ito.

Base sa autopsy report ng SOCO, nagtamo ng 3 saksak sa tiyan, may isang tama din ng saksak sa kaliwa at 2 pa sa kanang bahagi ng ulo ang biktimang si Lucila, habang nagtamo naman ng pinsala dulot ng paghampas sa kaliwang mata, ang kanyang asawang si Jornas maliban sa posibleng pagpalo din sa kanang pisngi nito. May 2 malalim na saksak din umano ito sa ibabang bahagi ng kanyang tenga.

Ayon naman kay PLt. David Rentillo, chief of police ng Malinao PNP na sa ngayon may 7 persons of interest sila na tinututukan at patuloy pa ang ginagawa nilang imbestigasyon para matukoy ang responsable sa kremin. Kasunod ang kanyang panawagan sa publiko lalo na sa bayan ng Malinao na magbigay impormasyon sa kapulisan sa sinumang may alam sa kremin o tumawag sa Malinao PNP hotline number 09985986123.

Ayon naman sa ilang kapitbahay ng mga biktima na wala silang nalaman na may nakaaway ang mag-asawa sa kanilang lugar.

Magugunitang naagnas na ang bangkay ng mag-asawa nang matuklasan sa loob mismo ng kanilang bahay noong Martes na pinaniniwalaang may 3 o 4 na araw ng patay.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

2 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago