Connect with us

Aklan News

ASAWA NG SB MEMBER SA NUMANCIA, PATAY NANG BARILIN NG RIDING IN TANDEM HABANG NAKSAKAY SA TRAYSIKEL

Published

on

By

PATAY ang isang babaeng asawa ng SB member sa Numancia matapos barilin bandang alas 8:00 ngayong umaga sa Sitio Looban, Camanci, Norte.

Nakilala ang biktimang si Jonalyn Maribojo, 42 anyos ng nasabing lugar, habang nabatid sa inisyla na imbestigasyon na riding in tandem ang bumaril sa kanya.


Todo Media Magazine

Ayon sa kanyang tiyuhin na si Fermin Maribojo, nakaupo noon sa kanilang traysikel ang biktima habang umalis saglit ang kasama niyang driver papuntang water refilling station.

Ayon pa sa kanyang tiyuhin, malapitang binaril ng gun man ang biktima at doon umano narinig ang 3 putok.

Kaagad isinugod sa ospital ang biktima pero binawian din ito ng buhay, habang kasalukuyang nag-imbestiga ang Numancia PNP sa insidente.

Kasalukuyan namang blangko pa ang pamilya ng biktima sa motibo ng krimen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.