Connect with us

Aklan News

Apartment sa Sigma, Capiz pinasok ng magnanakaw; mga gadget at pera natangay

Published

on

Image from the web

Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng kapulisan ang pagnanakaw na naganap sa apartment sa Poblacion Sur Sigma, Capiz.

Batay sa ulat ng Sigma PNP, ang mga biktima ay sina Edcel Quibet, 24-anyos, at Joy Demarivas, 21, pawang mga internal auditor ng OK Bank at parehong taga-Iloilo.


Pagkagising umano ng mga ito napag-alaman nalang nawawala na ang ila nilang mahahalagang gamit at pera.

Nanakawan si Quibet ng laptop na pagmamay-ari ng bangko, pitaka na may lamang nasa Php5,100, mga ATM card at ID.

Habang nawawala naman ang cellphone at powerbank ni Demarivas.

Pinaniniwalaang kinuha ang mga ito ng di pa nakikilalang suspek na nakapasok umano sa sliding glass window ng apartment.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *