Connect with us

Aklan News

AMBULANSYA NG LGU ALTAVAS, AKSIDENTENG TUMAGILID SA KALSADA

Published

on

Aksidenteng tumagilid sa kalsada ang ambulansya ng LGU Altavas bandang alas 8:20 kaninang umaga sa Barangay Linayasan.

Kaugnay nito, kaagad dinala sa ospital ang driver nitong si Dennis Reyes, 46 anyos ng Cabugao, Altavas matapos magtamo ng pasa sa likod, kaliwang paa at mukha.


Ayon sa Altavas PNP, papunta sana sa Barangay Lumaynay ang ambulansya, nang makita umano ng driver ang dalawang lalaking naglalakad sa kalsada rason na iniwasan niya ito.

Subalit aksidwnte g nag lock umano ang stirring wheel nito at nagtuloy-tuloy pakaliwa papunta sa gilid ng kalsada kung saan may ‘binuldoze’ na lupa.

Dahil dito, tumagilid ang sasakyan rason din ng mga tinamong pinsala sa katawan ng biktima.

Kaagad naman siyang nakalabas ng ospital dahil mga minor injuries lamang ang kanyang tinamo, habang rumesponde naman ang mga taga MDRRMO Altavas at pinagtulungang maitayo ang ambulansya.

Wala namang iba pang nasugatan sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *