Connect with us

Aklan News

AMBAY KILLING: Suspek na si Mark Torrefiel, naghain ng ‘not guilty plea’

Published

on

By

Naghain ng ‘not guilty plea’ sa kasong Robbery with Homicide ang security guard na suspek sa Ambay killing na si Mark Archie Torrefiel.

Sa preliminary investigation kahapon sa Branch 2 ng Regional Trial Court, not guilty plea ang itinugon ni Torrefiel sa isinagawang arraignment.

Kung matatandaan, si Torrefiel ang itinuturong suspek sa brutal na pagpatay nitong Hunyo 6 kay Bonna Hercia Ambay, 23 anyos na reliever-manager ng RD Pawnshop-Mabini Street, Kalibo branch.

Nabatid na nagtago ang suspek sa Laguna ilang araw matapos ang krimen at naaresto noong Hunyo 9.

Nagtamo ng 18 tama ng pananaksak si Ambay sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.