Connect with us

Aklan News

AKUSADO SA KASONG RAPE, ARESTADO

Published

on

Libacao – Arestado ang isang 43 Anyos na lalaki na akusado sa kasong rape mga dakong 11:30 kaninang tanghali sa Sitio Agbatuan, Brgy. Oyang, Libacao, Aklan.

Nakilala ang akusadong si Tammy Subiano y Idala residente ng nasabing lugar.

Naaresto ang akusado ng pinagsanib na pwersa ng Libacao PNP, 1st APMFC na nakabase sa Brgy. Rosal, Libacao at personnel ng San Jose Municipal Police Station, San Jose, Occidental Mindoro.

Isinilbi ang kanyang warrant of arrest sa kasong Incestuous Multiple Rape in relation to RA 7610 na may criminal case # R-8397 na ipinalabas ni Hon Jose S. Jacinto Jr, Presiding Judge RTC Branch 45, San Jose, Occidental Mindoro na may petsang August 25, 2015.

Wala namang pyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng Libacao PNP ang suspek at nakatakdang e turn over sa nasabing korte.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *