Connect with us

Aklan News

AKUSADO SA KASONG PAGNANAKAW, TIKLO

Published

on

Boracay -Arestado ng Malay PNP ang akusado sa kasong pagnanakaw mga dakong 1:00 ng hapon kahapon sa bayan ng kalibo.

Nakilala ang akusado na si Ruel Taunan, 21 anyos ng Sampaguita Road Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan.

Inaresto ang akusado sa bisa ng kanyang warrant of arrest na may criminal case no. 2161-M sa kasong Robbery na inisyo ni Hon. Cleo Marie C. Santillan, Presiding Judge of Fifth Municipal Circuit Trial Court 6th Judicial Region Buruangga-Malay noong April 26, 2021.

Ayon sa Malay PNP ang nasabing akusado ay sangkot sa ilang kaso ng nakawan na nangyari sa Isla ng Boracay.

P36K naman ang pyansang inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.