Connect with us

Aklan News

Aklan Provincial Athletic meet 2023, opisyal nang nagbukas

Published

on

File Photo: Radyo Todo

Opisyal nang binuksan ang Aklan Provincial Athletic Meet 2023, kahapon, Marso 22.

Ginanap ang opening program sa Aklan Sports Complex, Calangcang Makato, Aklan.

Bago nagsimula ang programa, nagkaroon muna ng isang grand parade ang mga atleta at delegado mula iba’t ibang paaralan sa lalawigan.

Hinati naman sila sa anim na units na kinabibilangan ng Unit 1 na binubuo ng Altavas, Batan, New Washington; Unit II na binubuo ng Balete, Banga, Libacao at Madalag; Unit III kung saan kasali ang Numancia, Lezo, Makato at Malinao; Unit IV naman ang para sa mga bayan ng Tangalan, Buruanga, Malay at Nabas; Unit V ang Kalibo I at Kalibo II; samantalang binubuo naman ng Ibajay East at Ibajay West ang Unit VI.

Bahagi rin ng nasabing opening program ang “Saludo” performance ng mga student athletes.

Bago pa man pormal na inanunsyo ang opisyal na pagbubukas ng Aklan Provincial Meet 2023 na pinangunahan ni Deped Aklan Schools Division Superintendent Feleciano Buenafe Jr. ay nagsagawa muna ng pagtaas ng banner ang bawat participating units, entrance ng Torch of Friendship at Lighting of the Urn, Oath of Amateurism ng mga atleta at Oath of Officiating Officials.

Nagpakita naman ng pagsuporta para sa mga atleta at delagado ang mga opisyales mula sa 17 bayan sa Aklan.

May temang “Aklan Ablaze by Matatag Fire” ang nasabing sporting events na inorganisa ng Deped Aklan ngayong taon.

Samantala, ang mga mananalong atleta sa Provincial Meet ang magiging representante ng Aklan para sa nalalapit na Western Visayas Regional Athletics Association Meet (WVRAA) 2023 sa buwan ng Abril kung saan ang magiging host province ay Aklan.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *