Connect with us

Aklan News

Aklan PNP, nagpasalamat sa mga testigo na tumulong sa pagtukoy ng suspek sa pagpatay kay Nadynne Faith Medina

Published

on

PINASALAMATAN ng Aklan PNP ang mga tumayong testigo para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na bumaril-patay kay Nadynne Faith Medina, Biyernes ng gabi.

Ayon kay PCapt. Willian Aguirre, Asst. Chief Intelligence Unit ng APPO, malaki ang naging bahagi ng mga vital witness sa pagkakaaresto sa suspek na si Rannie Vicente, 35 anyos ng Dongon East, Numancia.

Nasa 90% aniya ang pagkakahawig ni Vicente sa artist sketch ng suspek na inilarawan ng mga testigo sa Aklan Provincial Crime Laboratory.

Tinitingnan nila ang posibilidad na mayroon itong mastermind dahil nakatanggap ng impormasyon ang mga kapulisan na ang naturang suspek ay gun for hire.

Sa pagkakaaresto kay Vicente kahapon, nakuha mula sa kanyang posisyon ang isang caliber 38, caliber 45, magazine at mga bala.

“We can give good alibis”, saad naman ni Aguirre ukol sa mariing pagtanggi ni Vicente sa mga akusasyon sa kanya.

 

PAUNAWA: Ang pangalan ng suspek na nakalagay sa balita ay nananatiling inosente hanggat hindi pa napapatunayan sa hukuman ang kanyang pagkakasala.