Connect with us

Aklan News

Aklan, nasa MECQ mula Agosto 1-15

Published

on

Aklan MECQ

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterto ang rekomendasyon ng National Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na naglalayong ilagay sa reclassification ang ilang mga lugar sa bansa kabilang na ang probinsya ng Aklan, ayon kay Presidential Spokesperson Harrg Roque.

Ito ay ang Resolution 130-D kung saan muling ipapasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang lalawigan. Ang naturang resolusyong ay nilagdaan ng kalihim ng Department of Health na si Sec. Francisco Duque III, at epektibo ito ngayong araw hanggang August 15, 2021.

Matatandaang ipinaabot ni Aklan Gov. Florencio “Joeben” T. Miraflores kahapon sa meeting ng Regional Inter-Agency Task Force ang hiling nitong iakyat ang quarantine status ng probinsya mula General Community Quaranting with heightened restriction sa Modified Enhance Community Quarantine o MECQ sa loob ng 15 araw. Agad naman itong inirekomenda ng RIATF sa NIATF.

Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya, gayundin ang pagkumpirma ng DOH, University of the
Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines-National
Institutes of Health biosurveillance team na nakapasok na ang B.1.1.7 (Alpha), B.1.351 (Beta), P.1 (Gamma), at B.1.617 (Delta) variant sa bansa.

Ang pasyang ito ng National IATF ay isang hakbang upang patuloy na maipatupad ang mga restriksyon na makatutulong upang maagapan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, at naiwasan ang paglaganap ng ibat’-ibang variants.

Umaasa rin ang National IATF na isa itong paraan upang makabawi at makabangon ang health system ng bansa, at patuloy na mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng lahat.