Connect with us

Aklan News

Aklan mananatili sa Alert Level 1 ayon sa IATF

Published

on

By

Inanunsyo ng Health Department bilang Chair ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na mananatili sa Alert Level 1 ang Aklan kasama ang iba pang lugar sa bansa mula Hulyo 16-31, 2022.

Batay sa DOH, napanatiling mababa ng mga lugar na ito ang kabuuang beds utilization rates at pag-abot sa vaccination thresholds para sa target na populasyon at target na A2 (senior citizens) priority group.

Maliban sa Aklan, mananatili din sa Alert Level 1 ang mga karatig lugar nitong Capiz, Guimaras, Iloilo Province at Iloilo City at Bacolod City.

Nasa Alert Level 2 naman ang Antique at Negros Occidental.

Kaugnay nito, ipinasiguro ni Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, Officer-in-Charge, Department of Health, na makakasa ang publiko na mananatili ang gabay pangkalusugan ng kagawaran.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.