Connect with us

Aklan News

Aklan Agri-Fishery products showcase, binuksan na sa publiko

Published

on

By

BINUKSAN na sa publiko ang Aklan agri-fishery products showcase nitong Nobyembre a-14.

Ayon kay Aklan Agriculture consultant Soviet Russia Dela Cruz, ito ay bilang pagsuporta sa mga mangingisda at magsasaka sa lalawigan na maipakita ang kanilang mga produkto.

Nais din umano ng Aklan Prov’t Gov’t na matulungan silang maibenta o madala sa merkado ang kanilang mga produkto.

Saad pa ni Dela Cruz na aanhin naman ng mga magsasaka ang kanilang magandang produkto kung hindi naman nila it maibenta o madala sa merkado.

Kung kaya’t ang agri-fishery products showcase ay isang paraan upang masuportahan ang magsasaka at mangingisda na sinisikap na bumangon matapos padapain ng COVID-19 pandemic.

Ang Aklan agri-fishery products showcase ay pansamantalang matatagpuan sa Balay Pinamana kung saan makikita ang mga produkto ng mga negosyante sa Aklan.