Connect with us

Aklan News

Abandonadong kotse na nasangkot sa aksidente, nagliyab

Published

on

By

PHOTO: BFP R6 Balete Fire Station

Nagliyab ang isang abandonadong kotse sa tabi ng kalsada dakong alas-4:00 ng madaling araw nitong Miyerkules sa Sitio Agsili, Brgy. Aranas, Balete.

Nagresponde ang mga taga Balete PNP at Balete FireStation matapos makatanggap ng tawag tungkol sa nasusunog na sasakyan.

Agad naman na naapula ang apoy dakong alas-5:15 ng umaga sa pagtutulungan ng mga  awtoridad at ilang residente.

Napag-alaman na ang nasunog na sasakyan ay inabandona ng may-ari matapos na masangkot sa aksidente nitong Enero 11.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang naging dahilan ng sunog.