Connect with us

Aklan News

90% SA MGA GOBERNADOR SA BANSA, SUMUSUPORTA KAY BBM; LANDSLIDE VICTORY NITO, IPINASIGURO

Published

on

By

Photo Courtesy: Bongbong Marcos Official Facebook Page

Halos 90 percent o 73 sa 81 governors sa bansa ang nagpaabot ng kanilang suporta sa kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ipinangako ang landslide victory nito sa May 9 national polls.

Kasunod ito, makaraang sabay-sabay na pumunta ang 16 governors sa headquarters ni BBM sa Mandaluyong kagabi (Linggo) para muling ipasiguro ng mga ito ang kanilang suporta sa dating senador.

Ito ang pangawalang beses kung saan nagkaroon ng meeting si Marcos sa mga local chief executives kung paano makalikom ng boto sa kani-kanilang nasasakupang probinsya.

“Yung sinabi ni Chavit (Singson) na almost 90 percent ng governors are already for Bongbong. Totoo yun. Right now we have a new President,” pahayag ni Quezon Gov. Danilo Suarez. Ayon kay Suarez na base umano ito sa pahayag ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor and League of Municipalities of the Philippines President Luis Chavit Singson na 90 percent ng mga gobernador ay suportado ang BBM-Sara UniTeam.

“I don’t see any unprecedented event that can hamper the victory of Bongbong,” dagdag ni Suarez.

Umapila din si Singson sa mga gobernador na magdoble-kayod para masigurado na si Marcos ang magiging kauna-unahang “majority president” simula ng ipatupad ang multi-party system sa bansa.

“Doble kayod pa rin tayo kahit sigurado na ang panalo natin. Kailangan ipakita natin na siya ang kauna-unahang majority president,” apela ni Singson.

Ayon naman sa mga gobernador, posible umano ang inaapila ni Singson base sa resulta ng mga surveys kung saan mahigit 50% ang nakukuhang voter’s preference ni Marcos.

“Yung appeal ni Chavit na gawin namin majority president, well that would be our job. It’s easy to sell BBM, eh maayos na eh” ayon pa kay Suarez.

Para naman kay Isabela Gov. Rodito Albano, hindi na kailangan ng UniTeam na mangampanya sa kanilang probinsya.

“Maski hindi ko siya ikampanya sigurado siya sa amin. Mukhang mas mataas pa ang boto namin kay BBM keysa sa Ilocos,” pagmamayabang pa ni Albano.

Pinaboran naman ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas ang sentemyento ng mga gobernador na babantayan nila ang boto ni Marcos’ sa kanilang probinsya. “Syempre panalo tayo dun but kailangang i-push pa rin.

Kailangan bantayan. We have to show na that BBM is the solution. It’s really BBM na talagang nagpu-push para sa unity.

At yan ang hinahanap nating lahat,” ayon kay Mandanas. Ipinasiguro din ni Bohol Gov. Arthur Yap, na mayorya sa mga Boholanos ang boboto kay Marcos.

“Sa Bohol may bagong survey kami kalalabas lang last Friday nasa 54 percent si BBM. Siyempre ta-trabahuhin pa natin yan pero wala na akong nakikitang problema,” ayon naman kay Yap.

Dumalo rin sa nasabing meeting sina Governors Dax Cua ng Quirino; Susan Yap of Tarlac; Jose Riano ng Romblon; Florencio Miraflores ng Aklan, Philip Tan ng Misamis Occidental; Eduardo Gadiano ng Mindoro Occidental; Alexander Pimentel ng Surigao del Sur; Bonifacio Lacwasan, ng Mountain Province; Suharto Mangudadatu ng Sultan Kudarat; at former Gov Jun Ynares III ng Rizal Noong nakaraang linggo, 10 governors naman mula sa iba’t-ibang probinsya ang nagpaabot ng kanilang buong suporta kay Marcos.

Maliban sa mga concerns and priority programs ng kanya-kanyang mga probinsya, ipinahayag ni Marcos na kailangan bantayan at proteksyunan ang boto sa May 9 elections.

“Vote protection, yun ang aming napagusapan para makatiyak tayo na maganda ang takbo ng halalan. Mabilang lahat ng boto at hindi magka-problema,” ayon kay Marcos.

Dumalo naman noong nakaraan sina Governors Imelda Dimaporo, ng Lanao del Norte; Francisco Emmanuel Ortega III, ng La Union; Nancy Catamco, ng Cotabato; Esteban Evan Contreras, ng Capiz; Damian Mercado, ng Southern Leyte; Ferdinand Tubban ng Kalinga; Joy Bernos ng Abra; Jerry Dalipog ng Ifugao; at Camiguin gubernatorial bet Rep. Xavier Jesus Romualdo.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *