Connect with us

Aklan News

9 ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Kalibo — Siyam ang arestado dahil sa ilegal na sabong pasado alas 5:00 kahapon ng hapon sa Andagao, Kalibo.

Sa ikinasang Anti-Illegal Gambling Operation ng Provincial Special Operation Task Force at Kalibo PNP, naaresto ang mga suspek na sina Rodrigo Colas, 60 anyos; Jay-ar Colas, 34 anyos; Alex Mendoza, 50 anyos; Delmar Marin, 21 anyos; at Jonathan Zolina, 29 anyos; Glenn Psion, 31 anyos, lahat mga taga Oyotorong, Poblacion, Kalibo; Niño Pinos, 37 anyos; Romeo Dela Cruz, 53 anyos; pawang mga taga Andagao, Kalibo; at Jowin Adano, 27 anyos ng Poblacion, Malinao.


Narekober naman sa nasabing operasyon ang kabuuang P6,480.00; 5 buhay at 5 patay na mga manok panabong, isang weighing scale o timbangan at 1 set ng gaffling paraphernalias.

Samantala, bagama’t hindi na nagbigay ng pahayag ang ibang naaresto, iginiit naman ng isa sa mga suspek na si Alex Mendoza na napasama lamang siya sa mga naaresto nang sunduin niya ang isang pasahero doon sa lugar, at wala umano siyang kinalaman sa nasabing sugal.

Pansamantala silang nakapiit sa Kalibo PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 499 o Ilegal Cockfighting na isasampa laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *