Connect with us

Aklan News

89 ANYOS NA LOLA, GINAHASA

Published

on

Kasalukuyang ginagamot ngayon sa isang hospital sa bayan ng Kalibo ang isang lola matapos itong mabiktima ng pang gagahasa kagabi sa isang bayan sa probinsiya ng Aklan.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo sa pamilya ng biktima, sinabi umano nito na tinakpan ng suspek ang kanyang mga mata, binusalan ang bunganga at saka ginahasa.


Ayon pa sa biktima na isang malaking lalaki ang sinasabing pumasok sa kanyang kwarto na umabuso sa kanya.

Naiwan pa umano sa loob ng kwarto nito ang damit na may dugo na pinaniniwalaang damit ng suspek.

Umaga na umano nalaman ng pamilya nito ang nangyari matapos na ipagbigay-alam sa kanila na dinala sa hospital ang biktima matapos namaga ang bunganga at dumudugo ang pribadong parte ng katawan nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa nasabing insidente. Meron na rin umanong ‘person of interest’ na tinututukan ang mga otoridad na posibleng responsable sa kremin.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *