Connect with us

Aklan News

81 PANG SEAFARERS, NAKATAKDANG DUMATING SA AKLAN

Published

on

Kalibo, Aklan – NAKATAKDANG dumating sa Aklan sa susunod na mga araw ang 81 pang Overseas Filipino Workers – Seafarers na manggagaling sa Metro Manila.

Ang Batch 2 ay sa May 2 na may 28 Aklanon seamen at ang batch 3 ay sa May 5 na may 53 Aklanon seamen.


Ang mga ito at bibiyahe sakay sa Malasakit Voyage na barko ng 2Go na dadaong sa Iloilo Port.

Susunduin sila doon ng Aklan PDRRMO at PNP personnel at ihahatid sa hotel sa Kalibo na magsisilbi nilang quarantine facility.

Kasabay nila ang nga seafarers din na mga uuwi naman sa:

(Batch 2)
ANTIQUE – 29
CAPIZ – 25
ILOILO – 150

(Batch 3)
ANTIQUE – 24
CAPIZ – 30
ILOILO – 194

Kahapon ay nakarating na sa Aklan ang 37 seafarers at kasalukuyang naka quarantine sa Marzon Hotel sa Kalibo habang hinihintay ang resulta ng kanilang COVID 19 test.

Program/Beat: Anchorman of Todo Latigo program, 5am to 7:30am, Mon to Sat. Years/background in Media works: 22 years member of the Aklan Media.Why chose this profession: It's a calling. It's my passion.Principle in life: Your success is directly proportional to the number of lives you have touched for the better.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *