Connect with us

Aklan News

77 ANYOS NA LOLO, NATAGPUANG PATAY SA TINUTULUGANG KUBO

Published

on

Photo/Canva NOTE: This photo is for illustration purposes only.

Patay na nang matagpuan ang isang 77 anyos na lolo habang natutulog sa isang kubo bandang alas 4:30 kaninang madaling araw sa Lambingan, Pook, Kalibo.

Bagama’t wala umanong foul play sa pagkamatay ng biktimang si Lodovico Villaruel jr., tubong Balete at residente ngayon ng Pook, Kalibo, inirekomenda naman ng Kalibo PNP na isailalim sa Post Mortem Examination ang kanyang labi para matukoy ang ikinamatay nito.


Todo Media Magazine

Base pa sa report ng Kalibo PNP, natagpuan na lamang ang biktima ng kanyang kasama na hindi na humihinga, rason na kaagad nila itong ipinagbigay-alam sa mga otoridad.

Dumating din kinalaunan ang mga taga Crime Lab na nagsagawa din ng imbestigasyon sa lugar.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.