Connect with us

Aklan News

72 ANYOS NA LOLA, NABANGGA NG MOTORSIKLO SUGATAN

Published

on

Sugatan ang isang 72 anyos na lola matapos umanong mabangga ng motorsiklo alas 6:00 kagabi sa highway ng Bulwang, Numancia.

Nakilala ang biktimang lola na si Maria Testa ng Camanci, Sur, Numancia habang nakilala naman ang driver ng nakabanggang motorsiklo na si Jasub Sear Olmido, 20 anyos ng Old Buswang, Kalibo.


Todo Media Magazine

Base sa report ng Numancia PNP, papuntang Kalibo ang motorsiklo, subali’t aksidente nitong nabangga ang nagmamadaling tumawid na lola sa madilim na bahagi ng kalsada.

Resulta, nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima habang gasgas naman ang tinamo ng driver.

Kaagad namang dinala sa ospital ang lola, habang nasa kostodiya naman ng pulis ang driver ng motorsiklo para sa karampatang disposisyon.