Connect with us

Aklan News

71 INDIBIDWAL NAHULING LUMABAG SA CURFEW SA BORACAY

Published

on

Photo Courtesy| Malay PNP FB Page

Tiniketan ang 71 indibidwal matapos lumabag sa ipinapatupad na curfew sa isla ng Boracay nitong Nobyembre 1.

Base sa datos ng Malay Municipal Police Station, mula sa 71 violators, 36 ang nahuli sa PCP2-Balabag, 13 sa PCP1-Manoc-Manoc at 12 sa PCP3-Yapak at 10 naman ang nahuli ng Malay Headquarters.

Samantala, wala namang naitalang nahuli mula sa mainland Malay.

Ang nasabing mga violators ay pinagmulta na tig-2,500 pesos bawat isa.

Magugunitang mas pinalawig ang curfew hours sa isla ng Boracay mula alas 12 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng umaga samantalang nananatili namang alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga ang curfew hours sa mainland Malay.

Maliban sa curfew hours, striktong ipinapatupad sa isla ang susuot ng facemask at ang pagsunod sa ipinapatupad na health protocols.

Kaugnay nito, nanawagan ang Malay PNP sa publiko na sumunod sa mga ordinansang ipinapatupad upang hindi mamultahan gayundin na masiguro ang kaligtasan ng mga turista, residente at nagtatrabaho sa isla laban sa COVID – 19.

Advertisement