Aklan News

7 sugatan, kabilang ang 5 estudyante at buntis sa salpukan ng SUV at traysikel

Pito ang sugatan kabilang ang limang estudyante at isang buntis sa salpukan ng isang SUV at pampasaherong traysikel bandang alas 12:00 nitong tanghali sa crossing diversion road sa Poblacion, Makato.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang mga biktima kasama na ang driver ng traysikel na si Ruthgar Amboboyog, 37 anyos ng Calangcang, Makato, habang nasa kostodiya naman ngayon ng Makato PNP ang driver ng SUV na si Oliver Sanidad, 48 anyos at residente ng Manduriao, Iloilo.

Nabatid na mga estudyante ng Aklan State University Makato Campus ang mga biktima na sina Jonabelle Tubao, 23 anyos ng Libang, Makato; Anally Garcia, 22 anyos ng Castillo, Makato; Reuben Trajico, 24 anyos ng Baybay, Tangalan; Sharmaine Joy Villanueva, 25 anyos ng Banaybanay, Malinao; at Rex Johnjam Desullan, 21 anyos ng Libertad, Antique at Janrey Lorenzo, 21 anyos ng Napatag, Tangalan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Sanidad, papunta siya ng Caticlan galing Iloilo nang bigla na lamang umanong sumulpot sa lugar ang traysikel rason na nagkasalpukan ang dalawa.

Bagama’t sinabi ni Sanidad na hindi mabilis ang kanyang pagpapatakbo, iginiit naman ng mga pamilya ng traysikel driver na mabilis ang kanyang takbo base na rin sa mga nakasaksi sa insidente.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang mga biktima na nagtamo ng mga minor injuries at bali sa katawan, habang nakahanda naman umanong tumulong sa gastusin medikal ang driver na si Sanidad.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

16 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago