Connect with us

Aklan News

7 ARESTADO SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Kalibo – Pito ang arestado dahil sa ilegal na sugal alas 3:45 Miyerkules ng hapon sa isang bahay sa Oyotorong St., Poblacion, Kalibo.

Sa joint operation ng Kalibo PNP at Aklan PPO Anti-Illegal Gambling Task Group, naaresto ang mga suspek na sina Mika Lauria, 27 anyos; Joan Silva, 34 anyos; Jocelyn Natabio, 41 anyos; Norliza Hulguin, 23 anyos; Tobby Hulguin, 22 anyos; Ersol Villanueva, 42 anyos, lahat residente ng nabanggit na lugar, at Mae Ureta, 39 anyos ng Navitas, Numancia.


Base sa ulat ng Kalibo PNP, alas 2:00 umano hapon ng Miyerkukes nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang source kaugnay ng pagsusugal doon ng mga suspek, rason na kaagad nagsagawa ng joint operation ang mga pulis.

Dahil dito, naaresto ang mga suspek at narekober ang kabuuang P1,173.00 na bet money, 1 set ng baraha, mesa at ilang upuan.

Kaagad silang dinala at pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws na isasampa laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *