Connect with us

Aklan News

66 ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA ILIGAL NA PAG OPERATE NG CHAINSAW

Published

on

Photo| Nabas PNP

Nabas, Aklan – Inaresto ng Nabas PNP ang isang 66 anyos na lalaki dahil sa walang permit ang gamit nitong chainsaw sa pagputol ng niyog sa Brgy. Toledo, Nabas.

Nakilala ang naaresto na si Henry Berdonar, 66 anyos residente ng Sitio Takas, Brgy. Toledo, Nabas.


Naaresto ang suspek sabado ng hapon habang nag papatrolya ang Nabas PNP sa nasabing lugar.

Wala umanong maipakitang permit ang suspek sa pag operate ng kanyang chainsaw kaya siya inaresto.

Dinala siya sa Ibajay District Hospital para sa physical and medical check-up, pero mas minabuti ng doktor na i-admit ang suspek dahil sa hypertension.

Sa ngayon ay naka hospital arrest ang suspek na nakatakda namang sampahan ng kasong pag labag sa RA 9175 o Chainsaw Law.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *