Connect with us

Aklan News

61-anyos na lalaki, natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay  

Published

on

Wala nang buhay ng matagpuan ang isang 61-anyos na lalaki kaninang hapon matapos umano nitong wakasan ang kanyang buhay gamit ang lubid sa loob mismo ng kanyang bahay sa isang lugar sa Makato.

Base sa report ng Makato PNP, mismong ang nakatatandang kapatid nito ang nakatuklas sa insidente at humingi ng saklolo sa mga kapit-bahay.

Kinumpirma naman ng Makato PNP na walang sugat o anumang pinsala sa katawan ang biktima, kung kaya’t kumbinsido umano ang pamilya nito na walang foul play sa kanyang pagkamatay.

Nabatid na dati na rin umano itong nagtangkang magpakamatay.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *