Connect with us

Aklan News

50 anyos na lalaki, sinaksak ng kainuman sa Madalag

Published

on

By

Labas ang bituka ng isang lalaki makaraang saksakin ng kainuman kagabi sa Brgy. Talimagao, Madalag.

Kinilala ang biktimang si Elberto Fernando, 50 anyos at ang suspek na si alyas Denden Victoriano.

Batay sa ulat, magkasama umanong nag-iinuman ang dalawa hanggang sa abutan sila ng alas-10 nang gabi pero nagkaroon ang mga ito ng hindi pagkakatindindihan na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nagtamo ang biktima ng malaking tama sa tiyan na kasalukuyang nang ginagamot sa ospital.