Connect with us

Aklan News

5 nasawi sa Aklan dahil sa COVID-19, kumpirmadong kaso sa lalawigan, 157

Published

on

Larawan mula sa FB page ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit

5 ang nasawi dahil sa COVID-19 sa lalawigan ng Aklan base sa pinakabagong ulat na inilabas ngayong Hulyo 23, 2021 ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit.

An din sa tala ng Aklan PESU, nasa 46% ang positivity rate ng probinsya, kung saan 157 ang nag-positibo mula sa 344 na isinailalim sa swab testing, habang 187 naman ang nag-negatibo.

Nanguna ang bayan ng Banga sa may pinakamaraming kaso na 29, kasunod ang mga bayan ng Malinao na may 28, at Kalibo na may 19.

Samantala, ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa iba pang bayan ng Aklan:

Altavas: 1
Balete:
Batan: 5
Libacao: 8
Madalag: 10
Makato: 5
Malay: 7
Nabas: 15
New Washington: 14
Numancia: 14

Pinag-iingat pa rin ang lahat at hinihikayat na patuloy na sumunod sa health protocols kontra COVID-19.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *