Connect with us

Aklan News

42 ANYOS BINARIL NG AMA, PATAY

Published

on

Kalibo – Patay ang isang lalaki matapos umanong barilin ng sariling ama bandang alas 6:30 kaninang umaga sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si John Vincent Manalo, 42 anyos, at ang amang si Eduardo ‘Boy’ Manalo, pawang residente ng nasabing lugar.


Base sa inisyal na imbestigasyon, nagtalo umano ang dalawa sa hindi pa natukoy na dahilan, na narinig din mismo ng kanilang kapit-bahay.

Subalit nagulat na lamang ang mga kapit-bahay nila nang makarinig ng 2-4 na putok ng baril.

Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP, sinasabing madalas ding nagtatalo ang mag-ama, hanggang sa humantong ito sa pamamaril.

Pansamantala namang nasa kustodiya ng Kalibo PNP ang suspek, na tumangging magbigay ng pahayag sa inisidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *