Connect with us

Aklan News

41 ANYOS NA LALAKI BINARIL, PATAY

Published

on

Kalibo, Aklan – Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Tigayon, Kalibo.

Ang biktima ay nakilalang si Jury Felizario, 41 anyos, residente ng Sitio Guba Brgy. Tigayon Kalibo.


Todo Media Magazine

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP na nangyari ang insidente 12:30 ngayong hapon habang nasa kusina ng kanilang bahay ang biktima.

Nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng kanyang katawan ang biktima kung saan isinugod pa ito sa Aklan Provincial Hospital pero binawain rin ito ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Kalibo PNP sa pagkakilanlan sa suspek at motibo ng nasabing inside nte.