Connect with us

Aklan News

40 ANYOS, SINAKSAK SA LEEG NG KAINUMAN

Published

on

Sugatan sa leeg ang isang lalaki matapos saksakin ng mismong kainuman bandang alas 11:40 kagabi sa Sitio Lasavema, Polo, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Ronaldo Torrecampo, 40 anyos, at ang kainuman nitong suspek na si Roel Torado, 28 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng pulis, magkasamang nag-iinuman ang dalawa sa labas ng isang bahay nang nagtalo umano ang mga ito sa hindi natukoy na dahilan.

Kasunod nito, sinuntok umano ni Torrecampo si Torado, kung kaya’t gumanti naman ang huli, hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak sa leeg ang biktima.

Kaagad naman itong tumakas matapos ang insidente, habang isinugod sa ospital ang biktima.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *