Connect with us

Aklan News

4 na construction workers, arestado dail sa ilegal na sugal

Published

on

File photo /Radyo Todo Aklan

Numancia, Aklan – Apat na construction workers ang arestado dahil sa ilegal na sugal alas 12:25 kahapon ng hapon sa Albasan, Numancia, partikular sa housing project doon.

Kinilala ng Numancia PNP ang mga naarestong sina Ronnie Boy Abolucion, 38 anyos ng Dungon East, Numancia; Renato Delgado, 40 anyos ng Baybay, Makato, Mark Igat, 32 anyos ng Tugas, Makato at Eddie Nama, 30 anyos ng Uyang, Libacao.


Base sa report ng Numancia PNP, isang intelligence report ang nakarating sa kanila na may nagsusugal sa nasabing lugar, rason na kaagad nila itong pinuntahan.

Kasunod nito, kaagad inaresto ang mga suspek na naaktuhan umano ng mga pulis habang naglalaro ng pusoy (bahig), at narekober din ang kabuuang P178.00 nilang pera.

Pansamantalang ikinustodiya sa Numancia PNP Station ang apat, subalit pansamantalang nakalaya matapos makapagpiyansa ng P10,000.00 bawat isa.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *