Connect with us

Aklan News

37 SEAFARERS, NAKAUWI NA SA AKLAN

Published

on

Kalibo, Aklan – DUMATING na sa Aklan ang 37 mga Overseas Filipino Workers Seafarers na nanggaling sa Metro Manila.

Ang nga ito ay isinakay sa Malasakit Voyage na barko ng 2Go bilang bahagi ng Balik-Probinsya project ng National government.


Dumaong sa Iloilo port ang barko kanina kung saan sinundo sila ng Aklan PDRRMO at Aklan PNP at isinakay sa 2 bus ng Southwest.

Bandang alang 9 kanina ay dumating ang mga ito sa Mazon Hotel sa Kalibo para isailalim sa 14 days quarantine at specimen testing.

Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, kumpleto na sa quaratine at COVID 19 test sa Manila ang mga ito bago ibiniyahe kasama ng iba pang seafarers na taga Negros, Panay island at Guimaras.

Kapag negative ang resulta ng panibagong test ng mga ito ay agad rin silang pauuwiin sa kani-kanilang tahanan sa Aklan.

Pansamantalang sasagutin muna ng Provincial Government ang kanilang mga gastusin sa pagkain at accomodation kung saan ipapareimburse ito sa Overseas Workers Welfares Administration o OWWA.

May 96 Aklanon seafarers pang darating sa susunod na mga araw.

Program/Beat: Anchorman of Todo Latigo program, 5am to 7:30am, Mon to Sat. Years/background in Media works: 22 years member of the Aklan Media.Why chose this profession: It's a calling. It's my passion.Principle in life: Your success is directly proportional to the number of lives you have touched for the better.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *