Connect with us

Aklan News

34 anyos na lalaking tumatawid sa kalsada, utas sa sagasa ng motorsiklo

Published

on

By

Patay ang isang 34 anyos na lalaki makaraang masagasaan ng isang motorsiklo sa national highway ng Buenasuerte, Nabas.

Kinilala ang biktimang si Niño Castillon, residente ng nabanggit na lugar.

Samantala, ang driver na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ay kinilalang Eduardo Yacub, 55 anyos, ng Poblacion, Nabas.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing si Yacub sa direksyon ng Poblacion papuntang Nagustan nang mabangga ang tumawid na biktima sa may Buenasuerte, Nabas.

Nagtamo ng pinsala sa ulo ang biktima na dinala sa ospital pero kalaunan ay binawian rin ng buhay.

Naka-hospital arrest naman si Yacub sa Ibajay District Hospital habang ang kanyang motor ay naka-kustodiya sa Ibajay PNP station. (MAS)