Connect with us

Aklan News

DALAWANG MOTORSIKLO AT TRAYSIKEL, NAGKARAMBOLA 3 SUGATAN

Published

on

Malinao – Tatlo ang sugatan matapos magkarambola ang 2 motorsiklo at traysikel bandang alas 5:30 ng hapon  ng Pebrero 9, 2022 sa Rosario, Malinao.

Sa inisyal na report mula sa Malinao PNP, nakilala ang mga biktimang sakay sa magkahiwalay na motorsiklo na sina Daniel Progoso at Aljon Fernando, ng Bulabod, Malinao, at ang drayber ng traysikel na si Nelson Opeñano, 37 anyos ng naunang nabanggit na lugar.


Todo Media Magazine

Base pa sa paunang imbestigasyon ng pulis, kapwa galing sa Poblacion papuntang Rosario ang dalawang motorsiklo, nang mag-overtake umano si Progoso kay Fernando, rason naman na aksidente nitong nabangga ang kasalubong na traysikel.

Sa lakas ng pagkakabangga, sinasabing tumama ang motorsiklo ni Progoso sa motosiklo ni Fernando, rason ng mga tinamo nilang sugat at pinsala sa katawan.

Kaagad silang isinugod sa ospital at kasalukuyang ginagamot doon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.